1.
Medyo mahaba pero pagbigyan ninyo ako:
Naaalala ko pa nung gabing 'yun, hindi masyado maganda mood ko. 'Yung tingin sa akin ng barista ko, alam kong sa isipan niya, minumura na niya ako. Tapos 'yung mga tao, marahil dahil alam nilang sarado 'yung Starbucks sa kanto, lahat sila sa akin dumayo. Buti sana kung lahat sila nag-order ng tig-iisang libo, pero sa grupo ng lima iisa na nga lang bumili, 'yung pinakamura pang cappucino. Pero OK lang pala talaga, kasi kung hindi ako nagbukas ng shop noong bisperas ng pasko, hindi kita makikita, hindi tayo magtatagpo. At marahil ngayon, sa harap ng Diyos at ng lahat ng taong andito, hindi ko sa'yo binabasa ang sulat ko.
2. (unrevealed)
3.
Buti na lang nag-order ka pa ng pangatlong baso. Sa totoo lang gusto ko sabihing masama na 'yan sa'yo, pero kung wala ka nang inumin baka umalis ka na dito. Ako na mismo nagtimpla ng kape mo, at marahil hanggang ngayon hindi mo alam na decaf binigay ko sa'yo. Nung mismong oras na 'yun grabe ang kaba ko, na parang ako yata 'yung nakatatlong baso. Hindi ko alam sa paglapit mo sa counter kung ano sasabihin ko, at takot akong magkamali sa pangalan mo. Pero 'yun na nga, natapos ko na gawin ang kape mo, at tinawag ko na ang pangalan mo. Lumapit ka, at tinignan ang nakasulat sa baso mo.
Ellaine, iba 'yung ngiti ko nung nagustuhan mo 'yung heart na ginuhit ko sa tabi ng pangalan mo.
4. (unrevealed)
5. (unrevealed)
6. (unrevealed)
7. (unrevealed)
8. (unrevealed)
9. (unrevealed)
10. (unrevealed)