Written 26 March 2016
1.
Nagising ako kanina.
Naalimpungatan.
Pero di ko matandaan kung dahil
Nabigla ako sa sarili kong panaginip,
Panaginip kong hawak ko pa yung kamay mo
O dahil naalala na naman ng puso ko
Na kailangan ko bumangon sa isa na namang araw na wala ka na.
Ang hirap bumangon.
Ang hirap bitawan ng unan na yakap yakap ko.
Yung unan na lumunod sa tunog ng pagsigaw ko ng pangalan mo
At pumuno sa espasyo sa pagitan ng mga braso ko.
Pero kailangan kong bumangon.
Kailangan kong harapin ang katotohanan.
Kailangan kong unti-unting masanay tumingin sa teleponong
hinding hindi na makakatanggap pa ng mga mensahe mo.
Kailangan kong unti-unting mamanhid sa sakit at saya
na nararamdaman ko sa tuwing naaalala ko ang pagngiti mo.
Kailangan kong unti-unting maramdaman na ang pagbitaw ko lang
sa alaala ng pagibig mo ang tanging magpapalaya sa puso ko.
Kailangan kitang makalimutan.
Kaya kailangan kong gumising at piliting iraos
ang isa na namang mahabang araw.
Kailangan kong kumain
Maligo at magbihis
Manuod ng TV
Mag-Facebook
Magsayaw
Magtrabaho
Kailangan kong ituloy ang buhay.
Kailangan kong mabuhay.
Tuloy lang ang buhay ko.
Tuloy lang kahit na sa tuwing pumapasok ka sa isip ko
namamatay na naman ako.
2.
Nakakatawa ang pagkakataon, mahal.
Tila pinaglalaruan pa ata ako.
Biruin mong ang sarap ng almusal ko?
Maaga kasi nagising si nanay
kaya binilhan niya ako ng pandesal at keso.
Oo, pandesal at keso—yung paborito mo.
Yung pinagsasaluhan natin pag kinulang tayo at wala pang sweldo.
Naaalala mo pa kaya yun, mahal?
Naaalala mo pa ba kung gaano lang kasimple ang lahat sa atin dati?
Yung gigising tayo sa umaga
Na kahit hindi tayo sigurado
kung paano natin malalampasan ang mga problema
OK lang kasi mahal mo ako
At OK lang kasi mahal kita.
Naaalala mo pa ba na sapat na satin dati
Yung tatambay tayo sa labas ng bahay
Magkekwentuhan hanggang maabutan tayo
ng pagsilip satin ng mga tala sa langit?
Yung maghahawak tayo ng kamay
Naiiyak at di na makahinga sa tuluy-tuloy na pagtawa
sa mga biruan nating
Kung iisipin mo'y wala naman talagang kwenta?
Yung matutulog tayong nakaharap sa isa't isa
Nakangiti habang tila pinipigilan nating parehong pumikit
Kahit alam nating magkikita pa rin naman tayo sa panaginip?
3.
Panaginip.
Magigising pa kaya ako sa panaginip?
Bakit ang tagal ko nang nakasakay sa jeep
At ilang beses na akong muntik tumilapon
dahil sa mga biglang hinto ni manong
Hindi pa rin ako nagigising?
Bakit hindi pa rin ako nagigising?
Ang tagal ko na atang natutulog.
Ang tagal mo na sigurong naghihintay sa aking magising.
Malamang mahal nagugutom ka na.
Bakit kasi tinitiis mo ang gutom
huwag mo lang ako maistorbo sa tulog ko?
Gisingin mo na ako.
Gisingin mo na ako ngayon.
Gisingin mo na ako para makita ko na ulit ang mga mata mo.
Pangako babangon ako agad, gisingin mo lang ako.
Sino ba ang niloloko ko?
Alam naman nating parehong hindi naman talaga ako nananaginip.
Nasa byahe ako ngayon papunta ng opisina,
At mamaya maguubos na naman ng walong oras
Magtatrabaho para sa kinabukasan nating
parte na lang talaga ng ating nakaraan.
Alam kong hindi ako nananaginip.
Pero binabangungot ako ng katotohanan na sa paguwi ko mamaya
Gaya ng mga araw na lumipas,
Wala ka na.
4.
May dalawang oras pa ako pero tapos ko na lahat ng trabaho.
Ano na ang gagawin ko?
Papatayin ko na ba yung desktop ko
O bubuksan ko na naman ang profile mo?
Hanggang kailan ko papaniwalain ang sarili ko
Na pinapawi ng pagtingin ko sa mga litrato mo
ang lumbay na nararamdaman ko?
Hanggang kailan ko papaasahin ang sarili ko
Na sa bukas makalawa babalik ka na kasi
hanggang ngayon hindi ka pa nagpapalit ng relationship status mo?
Hanggang kailan ko lolokohin ang sarili ko
Na pilit kitang kinakalimutan,
Pero hindi naman ako umiiwas sa mga bagay
na nakakapagpaalala sakin ng pagibig mo?
Tulungan mo naman ako, mahal.
Tulungan mo akong makawala sa pagkakatali ko sa nakaraan.
Tulungan mo akong makawala sa ilusyon
na bahagi ka pa rin ng aking kinabukasan.
Hindi ko alam kung paano,
Pero tulungan mo ako.
Tulungan mo akong kalimutan ang yakap mo
Ang pagsandal mo sa balikat ko
At ang pangako mong para sa akin lang ang panglalambing mo.
5.
Pero sige, ganito.
Kakalimutan kita kahit hindi ko alam kung paano.
Malamang matagal pero alam ko darating din yung punto.
Yung oras na gigising ako na hindi ka papasok sa isip ko,
At kung dumalaw ka man sa panaginip ko,
Tanging ngiti na lang ang dadapo sa mga labi ko.
Pero hindi pa ngayon,
Hindi pa ngayong gabi.
Hindi pa ako nilulubayan ng mga salita mo.
Yung mga "I love you" mong ilang ulit kong narinig
pero hindi ko marahil nabigyan ng sapat na atensyon.
At yung mga "I miss you" mong sinasambit
limang minuto pa lang pagkatapos natin maglayo.
Hindi pa ngayon, alam ko.
Hindi pa, kasi masakit pa rin ang dibdib ko.
Ilang oras na naman akong magpapaikot-ikot sa kama
kakahanap ng tamang pwesto,
Yung maiibsan yung bigat na dumadagan sa aking puso.
Nakakatawa, mahal.
Ikaw pa rin talaga ang bumubuo ng araw ko.
Nararamdaman ko na naman ang pagpatak ng mga luha ko,
At maya-maya siguro hahagulgol na naman ako.
Mapapagod sa pagiyak
Malulunod sa sakit
At makakatulog sa paulit-ulit na pagbigkas ng pangalan mo.
Nakakatawa, mahal.
Makakatulog ako ng dahil sa alaala mo.
At bukas, para sa isa na namang bagong araw,
Magigising ako ng dahil sa'yo.