1.
Hindi ba't pag umibig ka wala ka naman nang ibang kailangang hilingin pa kung 'di ang mapasaya siya? Siguro bonus na lang talaga kung mahalin ka din niya, pero marahil hindi na importante basta masaya ka—kasi masaya siya.
2.
Kasi ang pagmamahal, 'yung tipong napakasarap at dakila, na kahit gaano kasakit at kahirap, ibinibigay mo sa taong walang sinumang ibang makapagsasabing hindi karapat-dapat. Ibinibigay mo sa taong tanging nakakapagpagaan ng iyong pakiramdam. Sa taong nakakapagpaangat ng mga paa mo mula sa lupa. Kasi ang pagmamahal, 'yung tipong wala kang ititira, ipagkakait, o ipagkukubli, ay ang tipo ng pagmamahal na ipinaglalaban. Kahit masakit, kahit mahirap, kahit nakakaubos ng panahon at oras—ipinaglalaban.
3.
Pero marahil may magsasabi, magtatanong, "kung tunay mong ipinaglalaban ang iyong pagibig, bakit ka bumitaw?" Simple lang naman e, kung tunay ang iyong pagmamahal, tanging hiling mo lang ay ang maging masaya siya. At kung sa pagbitaw makakamtan ang kanyang kaligayahan, ipaglaban mo ang pagmamahal mo sakanya. Kasi nga kaya ka nagmahal para makita mong masaya siya. Ipaglaban mo ang pagibig mo sa pamamagitan ng pagpapalaya. Kaya bumitaw ka at magpalaya.
4.
Magpalaya. Magpaubaya. Magparaya at manampalataya sa pag-ibig mong tunay at dakila. Hindi mo man maintindihan ang naging takbo ng tadhana, bitaw lang kasi 'yun naman ang tama. Huwag na huwag nating ipagkait sa ating mga minamahal ang kaligayahan nilang tanging sa pagpikit natin ng ating mga mata lamang makukuha. Kaya ipikit mo ang iyong mga mata, bitawan mo na ang kamay niya, at maniwala kang sa dulo ng paghahanap mo ng busilak na pagmamahal ay makakahanap ka ng tunay na magsasabing, "ikaw lang. Ikaw lang talaga."
5. (unrevealed)
6. (unrevealed)
7. (unrevealed)
8. (unrevealed)
9. (unrevealed)
10. (unrevealed)